Pinned Tweet
TANGLAW: "Walang Sablay kung walang sinulid"
Nailathala na ang Tanglaw Year 5 Print Edition para sa #Sablay2026. Ito'y isang panawagan sa mga iskolar ng bayan na paglingkuran ang sambayanan at makibaka upang labanan ang tahi-tahing isyu ng lipunan.
Layunin ng aktibidad na paigtingin ang militante, progresibo, at makabayang diwa ng mga bahagi ng unyon. Tampok sa programa ang iba’t ibang pagtatanghal sa pangunguna ng mga lokal na artista, mag-aaral, at guro.
TINGNAN: Upang ipagdiwang ang ika-25 na anibersaryo ng All UP Academic Employees Union - Los Baños, isang cultural night na may pamagat na “NINGAS: Gabi ng Kultura at Pag-alala” ang isinasagawa ngayong gabi, Oktubre 23, sa Carabao Park.
TINGNAN: Kasalukuyang gumugulong ang isang media forum na pinamagatang "Logta Biag: Kasaysayan, Kwentuhan, at Pakikibaka ng mga Katutubong Molbog" ngayong hapon, Oktubre 23, sa D.L. Umali Hall.
Nagiging banta rin sa kanilang kultura at kabuhayan ang mga itinatayong Enhanced National Greening Program (E-NGP) sites ng Department of Environment and National Resources (DENR), kung saan ginagawang 'public land' ang kanilang sagradong lupa.
TINGNAN: Kasalukuyang ginaganap sa Humanities Steps ang UPLB Pride Cultural Night bilang pangwakas na bahagi sa serye ng mga aktibidad na inorganisa ng UPLB Babaylan para sa “Bahagi ng Bahaghari” ngayong #UPLBPride2026, ngayong Oktubre 22.
...diskriminasyong batay sa kanilang sexual orientation, gender identity, gender expression, at sex characteristics.
🤝: Ang Tanglaw ay opisyal na media partner ng UPLB Babaylan para sa UPLB Pride Cultural Night.
📝: Karl Babaran at Divine Montino, Tanglaw Apprentices
📸: Mayden Bartolabac, Tanglaw Apprentice
#TanglawDevcom
#IkawAngTanglaw
TINGNAN: Dalawang espantaho ang itinirik ng College of Development Communication Student Council (CDC SC) sa quadrangle ng Nora C. Quebral (NCQ) Hall ngayong hapon kasabay ng paggunita sa buwan ng mga pesante, Oktubre 22.
Ang mga installation ay natatahi sa laban ng mga magsasaka sa banta ng proyektong Pax Silica at ang panawagan para sa tunay na reporma sa lupa.
Kasabay nito, isinasagawa rin ang isang educational discussion (ED) sa Room Annex 3 ng NCQ Hall upang talakayin ang kasaysayan ng paghihirap ng mga pesante.
📝 : Maegan Guevarra
📸 : Leonard Magadia
#TanglawDevcom
#IkawAngTanglaw
TINGNAN: Isang rainbow installation ang nakapalibot sa paanan ng Oblation sa Oblation Park ngayong hapon, Oktubre 22, bilang bahagi ng selebrasyon ng #UPLBPride2026.
Sa pangunguna ng UPLB Babaylan, layunin ng installation na bigyang-pugay ang iba’t ibang identidad ng komunidad ng LGBTQIA+, at kilalanin ang gampanin ng Unibersidad sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay.
🤝 Ang Tanglaw ay opisyal na media partner ng UPLB Babaylan para sa “Bahagi ng Bahaghari”
📝: Leonard Magadia
📸: Rianne Morales, Tanglaw Apprentice
#TanglawDevcom
#IkawAngTanglaw
TINGNAN: Minandato na ng opisina ng dekano ng College of Engineering and Agro-Industrial Technology (CEAT) ang pagbubuo ng Ad Hoc Editorial Examination Commitee upang pormal nang pumili ng kauna-unahang editor-in-chief (EIC) ng itatatag na publikasyon ng kolehiyo, Oktubre 20.
Samantala, pamumunuan naman ni Asst. Prof. Edward Joseph Maguindayao ang komite habang katuwang sina Carl Mhel Tabora, ang EIC ng UPLB Perspective, UP Solidaridad Consul-General for UPLB na si Leonard Magadia, at si Kurt Dominic Cornito, ang kasalukuyang chairperson ng CEAT…
…Student Council, batay sa Memorandum No. 042 RBD s 2026.
Maaari ding palawigin ang pagtanggap ng aplikasyon para sa magiging EIC hanggang Oktubre 17 kaugnay ng pagbabago sa mga itinakdang petsa para sa aplicants' training.
📝: Wred Marual
#TanglawDevcom
#IkawAngTanglaw
























