Mon Gualvez retweeted
TULOY ANG PAGGUNITA NG UNDAS
#TV5NewsNow | Nakakailang linis na ang mga taga Guinobatan, Albay sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay dahil sa ashfall mula sa pag-alboroto ng Bulkang Mayon.
Bagama't manipis lamang daw ang abong bumagsak, pabalik-balik naman daw ito tuwing nililipad. | via @mongualvez
LOOK | May’t maya ang pag-iikot ng K9 units sa paligid ng Manila North Cemetery. Ito ay para masigurong walang makalulusot na anumang kontrabando o banta sa seguridad ng mga magtutungo sa sementeryo ngayong #Undas2026.
@News5E @onenewsph
WATCH | Nagpaalala si Manila Mayor Isko Moreno sa mga senior citizen na huwag nang makisabay sa inaasahang dagsa ng mga pupunta sa sementeryo ngayong #Undas2026, para hindi gaanong mahirapan lalo’t inaasahan ang pakikipagsiksikan.
@News5E @onenewsph
WATCH | Bukas ang Manila LGU na i-extend ang oras na available sa publiko ang mga sementeryo sa lungsod kabilang ang Manila North Cemetery. Sa ngayon kasi, extended na ito sa 5am-8pm. Inaasahang aabot sa 2-milyon ang bibisita rito ngayong #Undas2026.
@News5E @onenewsph
WATCH | Hindi inoobliga pero hinihiling ni Manila Mayor Isko Moreno na magsuot ng facemask ang mga pupunta ng sementeryo na may nararamdamang sakit o yung may mga comorbidity ngayong #Undas2026. Yan ay para maiwasan din daw makahawa sa iba at maalangan ang kalusugan.
@News5E
WATCH | Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno sa mga magbabalak maglagay uli ng mga improvised na hagdanan sa bahagi ng A. Bonifacio Avenue, para makapasok sa Manila North Cemetery. Hindi bababa sa 9 na hagdanan na ang pinagbabaklas ng mga awtoridad bago ang #Undas2026
@News5E
LOOK | “Basura Man”, kasama ng Eco-Waste Coalition sa labas ng Manila North Cemetery. Panawagan ng grupo, wag gawing basurahan o tapunan ng samu’t saring kalat ang sementeryo ngayong Undas. Hiling din nila, tigilan na ang paggamit ng single-use plastic.
@News5E @onenewsph
Mon Gualvez retweeted
SEMENTERYO TOUR BAGO MAG-UNDAS
#TV5NewsNow | Ano ba ang aasahan pagdating sa Manila North Cemetery ngayong #Undas2026?
Tara, ililibot tayo ni @mongualvez .
Mon Gualvez retweeted
ONLINE HELP DESK NG MANILA NORTH CEMETERY
#TV5NewsNow | Ipinasilip sa TV5 News ang bagong-lunsad na Online Emergency Assistance ng Manila North Cemetery ngayong #Undas2026.
Literal na mag-aalarma sa buong opisina oras na may humingi ng emergency. | via @mongualvez
Mon Gualvez retweeted
SEMENTERYONG LUBOG SA BAHA
#TV5NewsNow | Lubog pa rin sa baha ang maraming nitso o puntod sa Masantol, Pampanga, ilang araw bago ang paggunita ng Undas. | via @mongualvez
Mon Gualvez retweeted
KAPAKANAN NG MGA MANGGAGAWA SA BANTA NG EL NIÑO
#TV5NewsNow | Nakatakdang maglabas ng labor advisories ang DOLE kaugnay sa banta ng Super El Niño.
Kabilang dyan ang pagbibigay ng option sa manggagawa na huwag pumasok oras na umabot sa higit 42-degrees celcius ang heat index. Nangangamba naman dito ang grupo ng mga employer dahil baka maapektuhan anila ang productivity. | via @mongualvez
Mon Gualvez retweeted
TUBIG NA SINALA MULA SA DSWD FILTRATION KIT, SAFE NGA BA?
#TV5NewsNow | Nilinaw ng DSWD na hindi lahat ng uri ng maruming tubig ay pwedeng isala at malinis ng water filtration kit ng ahensya.
Pwede lang daw itong gamitin kapag may disaster o in case of emergency. | via @mongualvez
LOOK | Naghain ng certificate of candidacy si Luis Andres Abad para sa pagka-kongresista ng Batanes. Yan ay matapos mabakante ang posisyon dahil sa pagkamatay ni Rep. Ciriaco Gato Jr. Si Luis Andres ay anak ni dating DBM Sec. Butch Abad.
@News5PH @onenewsph
WATCH | Ikinuwento ni VP Sara Duterte ang komento ng isa niyang kaibigan na inihalintulad daw siya kay dating VP Binay na binatikos din noon. Pero giit ni VP Sara, daig niya si Binay dahil umabot pa raw siya sa impeachment, not once but twice.
@News5E @onenewsph
LOOK | Pinangunahan ni VP Sara Duterte ang awarding ceremony sa mga tauhan ng Office of the Vice President. Kasama niya rito ang kanyang Chief of Staff na si Atty Zuleika Lopez.
@News5E @onenewsph
LOOK | Umaapela ang kampo ng The Icon Clinic ni Dr. Eric Yapjuangco o si Doc Yappy matapos ipag-utos ng DOLE ang work stoppage order sa kanila kahapon. Giit ng abogado nito, bigyan sana muna sila ng pagkakataong depensahang hindi sila negligent o pabaya.
@News5PH @onenewsph
Mon Gualvez retweeted
KUMPANYA NG MV JUNE ASTER, NAKITAAN NG MULTIPLE VIOLATIONS
Posibleng maisyuhan ng work stoppage order ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Atienza Interisland Ferries Inc., ang nagmamay-ari ng MV June Aster na nasunog sa Coron, Palawan.
Nasa 77 ang nasawi at walo ang nawawala kasunod ng insidente.
Patong-patong na paglabag sa labor at safety standards ang nakita. | via @mongualvez
LOOK | Posibleng maisyuhan ng work stoppage order ng DOLE ang Atienza Interisland Ferries Inc. Ito yung nagmamay-ari ng MV June Aster na nasunog sa Coron, Palawan, na nag-iwan ng 77 patay at 8 nawawala. Patong patong na paglabag sa Labor at Safety standards ang nakita.
@News5PH
Mon Gualvez retweeted
NAGKAGIRIAN SA PROTESTA
#News5Now | Kinuyog ang isang lalaki sa kasagsagan ng kilos-protesta ng Piston sa Mendiola, Manila.
Ang sabi ng mga nagra-rally, kinuhanan daw kasi sila ng video ng lalaki nang walang paalam.
Nakiisa sa pagkilos ang iba’t ibang grupo, kasama na ang mga kabataan at mga manggagawa. | via @mongualvez

















