Mga Tala at Tula ✨ (@mgatalatula) header
Mga Tala at Tula ✨ (@mgatalatula) profile picture

Love. Depth. Poetry.

Joined June 2020
Photo by Mga Tala at Tula ✨ (@mgatalatula)Photo by Mga Tala at Tula ✨ (@mgatalatula)Photo by Mga Tala at Tula ✨ (@mgatalatula)Photo by Mga Tala at Tula ✨ (@mgatalatula)Photo by Mga Tala at Tula ✨ (@mgatalatula)Photo by Mga Tala at Tula ✨ (@mgatalatula)Photo by Mga Tala at Tula ✨ (@mgatalatula)Photo by Mga Tala at Tula ✨ (@mgatalatula)Photo by Mga Tala at Tula ✨ (@mgatalatula)Photo by Mga Tala at Tula ✨ (@mgatalatula)
anong paborito mong akda ni @roncanimoph ? 😊
2
10
11
76
9,851
Kayang-kaya kong maging bagyo, pero kung ang ibig sabihin nito’y pagdanas mo ng delubyo, mas pipiliin kong manatiling ambon. Dadampi ako sa’yong balat nang hindi sumusugat. Ang buhos ko’y hindi na magiging karagdagang bigat.
1
3
1
11
1,021
Anumang pagkawasak ang ipinaranas mo sa akin, hindi ko ibabalik sa’yo bilang matatalim na patak. Ambon lamang. Kaunting pagdaramdam. Mananatili ang sakit, ngunit hindi ako magpapakain sa galit. Hindi ko hahayaang patuloy akong wasakin ng hagupit.
1
2
278
Marami nang nasalanta rito, at ang hinanakit ay maaaring kumitil sa natitira pang sinag sa’king dibdib. Kaya’t mananatili akong ambon. Mas madaling makaahon. Mas aninag ang pagliwanag ng panahon. @roncanimoph
1
175
maaari pa ring dalawin ang “museo ng mga paano” 💜
2
723
mula sa aklat ng “museo ng mga paano” 💜
2
6
826
Kapag nakagat mo raw ang sariling dila, ibig sabihi’y may nakakaalala. Kaya ba puro singaw na itong sa akin, dahil lagi akong sumasagi sa isip mo? Sa mga ligaw na sandali—habang tumitipa o habang nakamasid lang sa langit—
1
1
7
1,077
Habang tumatakbo o habang naghuhugas ng plato—may sigalot din bang nagaganap sa’yong isip? Kung sakaling oo, maaari mo akong sisihin. Sapagkat marami akong hindi nasabi. Marami akong itinago sa’king bibig na hindi na malalaman ninuman. Mananatili silang nakasiksik dito.
1
2
207
At sa tuwing makakagat ko ang sariling dila, tatanggapin ko iyon bilang habambuhay na parusa. @roncanimoph
1
129
Hindi mo masisisi ang lumaki sa hirap kung hihiling siya ng higit pa sa sapat. Hindi mo siya madidiktahang makuntento sa sakto. Hindi mo siya mapipigilang asamin ang bawat bahagi ng buo, pati ang apaw sa puno. Hindi mo siya mauunawaan hanggang malaman mo ang kaniyang kuwento—
1
4
12
1,002
ang mga dumi sa kaniyang kuko, ang pasanin ng mga mata niyang mugto, ang sikmura niyang kumukulo. Walang sasapat para sa kaniya kundi sobra-sobrang pangarap. Mataas na mataas. Malawak na malawak.
1
2
337
Sapagkat damay na rito ang lahat. Ang sapat ay laan sa iba, ang higit ay para naman sa sarili. Alam niyang ang buhay ay walang hanggang pagkaubos. At mabubuhay lamang siya sa walang hanggang pagtatabi. Higit kung mangarap ang mahirap. @roncanimoph
1
178
Siya ang buwan, pero mas panatag ka na sa iyong higaan. Kaya’t sa gabing magpapamalas siya ng ganda sa sanlibutan, iniiwan mo ang bintana at dumudulog sa iyong kama. Masyado nang mahaba ang maghapon para tumingala. Hindi na para umasa.
1
3
1
5
952
Napagod ka na lang ding maghintay sa wala. Maaaring ang liwanag niya’y hindi naman din laan sa isa. Hindi mo siya kailanman maaangkin. Hindi rin masusuklian ang pagtingin.
1
1
3
258
Ipapahinga mo ang iyong puso. Maaaring bukas, hawiin mong muli ang kurtina. Maaaring matagalan bago mawala ang nakasanayan mong paghanga. Pero unti-unti ring mawawala. Alam mong naroon siya. Pero mas ayos ka na sa pag-iisa. @roncanimoph
4
211
Tuso. Sobrang tuso. Hindi kailanman magiging malumanay ang tagumpay. Dadaanan mo muna ang sigwa, pasusukuin ka ng paulit-ulit na pagkadapa, pagkakaitan bago tuluyang pagbigyan. Saka sasabihing pinatitibay ka lamang.
1
8
12
1,225
At kung sa wakas ay marating mo na ang dalampasigan, maaalala mo ang daluyong na nagtulak sa’yo patungo rito. Iisipin mong baka hindi ka nakarating kung wala ang malalaking alon, kung wala ang malakas na hangin.
1
2
3
302
Mapipilitan kang ipagdiwang ang mga sugat na tinamo. Tuso. Pasasalamatan mo pa rin ang delubyo sa dulo. @roncanimoph
1
3
187
Iyon marahil ang pinakamasayang pagpunta ko sa isang grocery store. Wala namang gaanong laman ang listahan natin, pero puno ang mga puwang sa pagitan ng aking mga daliri. Bitbit mo ang basket sa kanan, at tangan naman ng kaliwa mo ang kamay ko.
1
5
18
1,109
Romantiko rin naman ang kapayakan, at hindi ako kailanman mapipigilang umibig dahil lamang sa kakapusan. Hindi madidiktahan ng mga bagay sa loob ng malaking tindahang ito ang kalayaan nating piliin ang isa't isa.
1
1
4
203
Pabawasan mo man ng ilang gramo ang karne o piliin ang mga sahog na nasa pakete kaysa sa bote, mamahalin kita nang walang pagtitingi. @roncanimoph
1
3
128