Pinned Tweet
📍DSWD SATELLITE OFFICES NATIONWIDE: facebook.com/share/p/1HyxHNS…
Hanapin ang pinakamalapit na DSWD Satellite Office sa inyong lugar!
May katanungan ba kayo tungkol sa mga programa at serbisyo ng DSWD o nais ninyong humingi ng tulong? Hindi na kailangang bumiyahe nang malayo!
Sa pamamagitan ng DSWD Satellite Offices sa iba't ibang bahagi ng bansa, mas madali nang maaabot ng mga Pilipino ang mga programa at serbisyong panlipunan ng Kagawaran. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng DSWD, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na gawing mabilis, mas maginhawa at mas accessible ang paghahatid ng mga serbisyo ng pamahalaan sa bawat komunidad.
Tingnan ang mga detalye sa ibaba para malaman kung saan matatagpuan ang DSWD Satellite Office sa inyong rehiyon o lalawigan. Maaari niyo rin itong ma-access sa link na ito: dswd.gov.ph/dswd-directory-s…
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
ICYMI: DSWD Secretary @rex_gatchalian joined The Homestretch on Magic 89.9 to share the Department’s initiatives to help communities cope with the effects of Super El Niño.
WATCH IT HERE: facebook.com/share/v/1LFJd7A…
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
@dswdserves retweeted
Always wondered what it would be like to be a DJ!
Visited 89.9 Magic FM --- The Home Stretch with DJ JAYJAY and DJ IZBEL....and its to talk about government's response to El Niño.
Thank you for giving me the chance to explain in full all the interventions of government.
Sa uulitin!
AICS Chronicles | Para sa Munting Buhay, Buong Pusong Lalaban ang Isang Ina 🤱
Pitong buwan pa lamang sa sinapupunan, isinilang na ang sanggol ni Jennifer Bongoc at kinailangang sumailalim sa agarang gamutan para mabuhay. Sa kabila ng takot at malaking bayarin sa ospital, kumapit si Jennifer sa pag-asang gagaling ang kaniyang anak at humingi ng tulong sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD para makatulong sa gastusin sa pagpapagamot.
Panoorin ang kuwento ng isang inang patuloy na lumalaban para sa kaniyang anak at kung paano naging kaagapay ang AICS sa gitna ng kanilang pagsubok, dito lamang sa #AICSChronicles.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
Walang Gutom Kitchen | Katuwang ng Lahat ng Nag-aalaga ❤️
Mula sa paghahanda ng pagkain hanggang sa pag-aasikaso sa bahay, hands-on ang mga kasambahay sa bawat gawain. Sa gitna ng mga gastusin, malaking bagay ang bawat pagkaing naihahain sa hapag.
Gaya ng pag-aalaga nila sa iba, nararapat din silang makatanggap ng kalinga. Sa pamamagitan ng Walang Gutom Kitchen, may libre, masarap at masustansyang pagkaing maaasahan, na nagbibigay-ginhawa sa kanilang araw-araw. 🍴
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#DSWDWalangGutomKitchen
DSWD PRESS RELEASE: DSWD reiterates need to strengthen anti-child bullying measures, protect children’s right to safe learning environment
The Department of Social Welfare and Development (DSWD) reiterates its call to strengthen and urgently enforce anti-child bullying measures to prevent its escalation into violence.
“Preventing child bullying, whether online or offline, is not the responsibility of one institution alone. It requires everyone’s cooperation. We must teach our children that respect is non-negotiable, that differences are never a reason to hurt others, and that seeking help when someone is being harmed is an act of bravery,” the DSWD spokesperson said. (AKDL)
READ MORE: dswd.gov.ph
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
BAGONG DAAN, BAGONG PAG-ASA SA ALBAY! 🚜🌾
Mula sa dating masukal at mabatong daanan, unti-unting nabuksan ang bagong oportunidad para sa mga magsasaka ng Barangay Sua, Camalig, Albay. Sa tulong ng DSWD KALAHI-CIDSS at pagkakaisa ng komunidad, isang farm-to-market road ang nabuo para mas mapadali ang pagbiyahe ng mga ani at makatulong sa kabuhayan ng mga residente.
Paano nila ito naisakatuparan? Abangan bukas, Martes (Oktubre 20), sa Kwento ng Pag-asa at Pagbabago (KPAP)!
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️ #DSWDKALAHICIDSS #MagKalahiTayoPilipinas
UPLIFT ECT UPDATE: Umabot sa 8,239 na magsasaka ng palay sa Cauayan City, Delfin Albano, Echague at Ilagan City sa Isabela ang nakatanggap ng kabuuang Php43,254,750 na halaga ng UPLIFT Asisstance - emergency cash transfer (ECT) for disaster victims mula sa DSWD Field Office (FO) 2 - Cagayan Valley. Isinagawa ang pamamahagi mula Huwebes (Oktubre 15) hanggang Sabado (Oktubre 17) para matulungan ang mga magsasakang naapektuhan ng El Niño at pagkalugi sa produksyon.
Naglalayong magbigay ng agarang suporta ang tulong-pinansyal ng ahensya para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga benepisyaryo habang unti-unting bumabangon ang kanilang kabuhayan. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking may suporta ang mga pamilyang apektado ng kalamidad, patuloy na naghahatid ang DSWD ng tulong sa mga nangangailangan. (CC)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
DSWD welcomes partnership of Land Bank, Palawan Group for expansion of cash aid access to beneficiaries
The Department of Social Welfare and Development (DSWD) has welcomed the partnership entered into by the Land Bank of the Philippines and the Palawan Group of Companies recently that will expand cash aid access and improve financial service delivery for beneficiaries of social protection program across the country.
The partnership will support the Hybrid Digital Payout (HDP) System of the DSWD, which combines digital and over-the-counter payout channels to provide eligible beneficiaries with additional ways to receive government aid.
The HDP serves as an alternative disbursement mechanism to deliver cash aid to beneficiaries who do not have access to digital wallets, transaction accounts, or bank accounts, or who have opted to receive their assistance in cash. (VLV)
Photo: TheManilaPost.net
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
📢 PABATID SA PUBLIKO
Inilipat na nitong Biyernes (Oktubre 16) ang tanggapan ng Crisis Intervention Section (CIS) – Gastambide ng DSWD Field Office (FO) NCR sa bagong lokasyon nito sa Maynila.
📍 BAGONG ADDRESS
990 MCM Building, Quezon Boulevard, Sampaloc, Maynila
Ang mga kliyente ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay maaari nang dumiretso sa bagong tanggapan para sa kanilang mga transaksyon.
Hanapin ang Manila Central Satellite Office sa Google Maps:
maps.app.goo.gl/sbk2iYhA1ko5…
🕗 Oras ng Operasyon: 8:00 AM–5:00 PM (no noon break)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
Recognizing the People Behind Financial Inclusion
The Financial Inclusion Steering Committee (FISC) has released the 2025 Annual Report of the National Strategy for Financial Inclusion (NSFI) 2022–2028, highlighting the accomplishments, programs, and collaborative initiatives of FISC member agencies and stakeholders throughout 2025 in support of the NSFI’s strategic objectives and priorities.
Established through Executive Order No. 208 in 2016, the FISC provides strategic direction for the implementation of the NSFI, the country’s roadmap for expanding access to financial services, promoting inclusive growth, and strengthening financial resilience.
For more information, visit financialinclusion.gov.ph.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
DSWD Pushes for Disaster-Ready Communities and Stronger Protection for Filipino Families
DSWD Assistant Secretary for Policy and Planning Group (PPG) Juan Carlo Marquez joined regional experts at the Asia-Pacific Social Protection Week (APSP) 2026 on Wednesday (October 7) at the Asian Development Bank (ADB) Headquarters in Mandaluyong City to discuss ways to strengthen adaptive and shock-responsive social protection.
During the discussion, Asst. Secretary Marquez highlighted Philippine initiatives that help communities prepare for disasters and climate-related risks, including the Buong Bansa Handa Project, which strengthens disaster preparedness through prepositioned relief supplies and improved supply chains, and Project LAWA at BINHI, which supports water security, food production, and climate-resilient livelihoods for vulnerable communities.
Joining Asst. Secretary Marquez in the panel were Mr. Veremo Muria, Director for Social Protection from the Ministry of Women, Children and Social Protection, Fiji Government; Mr. Marco Knowles, Team Lead for Social Protection, Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO); and Ms. Katinka Weinberger, Officer-in-Charge of the Sustainable Development Division, Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP). The discussion was moderated by Mr. Bob Babajanian, Senior Social Development Specialist, ADB.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#APSP2026
DSWD PRESS RELEASE: DSWD preps for Super Typhoon 'Champi' expected to enter PAR this week
The Department of Social Welfare and Development (DSWD) is preparing for the potential impact of Super Typhoon Champi currently monitored outside the Philippine Area of Responsibility (PAR).
Expected to enter PAR by Tuesday (October 20), Super typhoon Champi is to be called locally as 'Rosal'.
"Sa pamamagitan po ng ating strategic hubs at warehouses, pinapanatili nating active ang supply chain para agad-agad nating maipahatid ang kinakailangang augmentation support kung sakali man na manghingi ng assistance ang mga komunidad na maaaring maapektuhan," Asst. Secretary Dumlao said. (KI)
READ MORE: facebook.com/share/p/1BHyyGw…
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
Kilo-Kilong Bangus, Tampok sa Unang Ani ng mga Partner-Beneficiaries sa Libon, Albay! 🎣🧺
Umabot sa 137 kilo ng bangus, na nagkakahalaga ng Php10,820, ang unang naharvest na isda ng mga partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI sa Barangay Rawis, Libon, Albay nitong Biyenrnes (Oktubre 16). Bunga ito ng kanilang sama-samang pag-aalaga ng isda na nagbubukas ng dagdag na mapagkukunan ng pagkain at oportunidad para sa kabuhayan ng kanilang komunidad.
Nagbigay din ng techincal assistance ang Fisheries Focal at Municipal Agriculture Office (MAO) para sa susunod nilang production cycle, kabilang ang pagpapahusay ng pag-aalaga ng bangus at pag-angkop sa mga hamong dulot ng nagbabadyang Super El Niño.
Sa pamamagitan ng Project LAWA at BINHI, pinalalakas ng DSWD ang seguridad sa pagkain at kabuhayan ng ating mga kababayan, kasabay ng pangangalaga sa likas na yaman. Katuwang nito ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kahandaan ng mga komunidad sa pagharap sa mga epekto ng pagbabago ng klima. (AL)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️
#ProjectLAWAatBINHI🌱
UPLIFT ECT UPDATE: Para matulungan ang mga rice farmers na makayanan ang pagkalugi sa kanilang mga palayan dulot ng El Niño, nagkaloob ang DSWD Field Office (FO) 2 - Cagayan Valley ng UPLIFT Assistance - emergency cash transfer (ECT) for disaster victims sa karagdagang 2,671 magsasaka sa Isabela noong Oktubre 15, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Mula sa iba’t ibang lungsod ang mga benepisyaryong magsasaka kabilang ang Ilagan, Delfin Albano at Cauayan City. Sa pamamagitan ng cash assistance, matutulungan sila na tugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan habang hinaharap ang epekto ng matinding tagtuyot sa kanilang produksyon.
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️
#UPLIFT
NATIONAL WEEK FOR OVERCOMING EXTREME POVERTY
Mahalaga ang sapat na suporta at oportunidad para matulungan ang mga pamilyang Pilipino na magkaroon ng maayos na kabuhayan at magandang kinabukasan.
Sa paggunita ng National Week for Overcoming Extreme Poverty, patuloy na isinusulong ng DSWD ang mga programang tumutulong sa mga pamilya na makaahon sa kahirapan at makamit ang pangmatagalang pag-unlad.
Sama-sama nating itaguyod ang isang lipunang walang pamilyang naiiwan at bawat Pilipino ay may pagkakataong umunlad at mamuhay nang may dignidad at pag-asa.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#NationalWeekForOvercomingExtremePoverty2026
A Safe Environment for Children Starts With Adults Who Listen 🧑🧑🧒🧒
Ang tahanan ay nagiging mas ligtas para sa bata kapag may mga nakatatandang handang makinig, umunawa at gumabay sa bawat pagkakataong kailangan niya ng masasandalan.
Sa pamamagitan ng Parent Effectiveness Service (PES) ng DSWD, isinusulong ng Kagawaran ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga magulang sa positibong pagdidisiplina at pagpapalaki ng mga batang may sapat na gabay, pag-aaruga at suporta sa kanilang paglaki.
Alamin sa ibaba ang iba pang impormasyon. ⬇️
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️
Kwentong SLP: Dagdag Puhunan, Matatag na Kinabukasan para kay Lola Loreta🥜🌾
Sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD Field Office (FO) 1 - Ilocos Region, nabigyan ng dagdag puhunan si Lola Loreta Lamela, 72, ng San Fabian, Pangasinan, para mas mapalago ang kanyang munting negosyong pagtitinda ng mani.
Taos-puso ang pasasalamat ni Lola Loreta dahil sa loob ng mahigit tatlong dekada, naging sandigan niya ang kabuhayang ito sa pagpapalaki sa kanyang tatlong anak at pagpapatapos sa mga ito sa kolehiyo.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na isinusulong ng DSWD ang mga programang pangkabuhayan tulad ng SLP, para mabigyan ng dagdag na oportunidad ang mga pamilyang Pilipino na mapalago ang kanilang kabuhayan at makapagtatag ng mas maliwanag na kinabukasan.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#SustainableLivelihoodProgram
Mga Pamilyang Nasunugan sa Bucana, Davao City, Tumanggap ng mga Relief Kits mula sa DSWD
Matapos mawalan ng mahahalagang gamit dahil sa sunog, nakatanggap ng paunang tulong ang 90 pamilyang naapektuhan sa Purok 18, Bolton Isla, Barangay 76-A (Bucana), Davao City ngayong Linggo (Oktubre 18). Agad na naghatid ang DSWD Field Office (FO) 11 – Davao Region ng mga relief supplies para makatulong sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang bawat pamilya ay tumanggap ng tig-iisang family food pack (FFP), ready-to-eat food, sleeping kit, family clothing kit, hygiene kit at kitchen kit para makatulong sa pagtugon sa kanilang mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw
@rex_gatchalian
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️











































