Welcome to the official X account of the Quezon City Government handled by the QC Public Affairs and Information Services Department

Quezon City, Philippines
Joined February 2020
WELCOME TO QC! 🫡 Nagbahagi ng best practices ang QC Procurement Department sa mga kawani ng Bukidnon Provincial Government sa idinaos na benchmarking activity ngayong Miyerkules.
1
567
Nakiisa rin sa presentasyon ng kanilang mga proseso kasama ng Procurement Department ang Rosario Maclang Bautista General Hospital at City Accounting Department.
79
Nagsagawa ng public hearing ang Quezon City Government para sa Proposed Comprehensive Quezon City Zoning Ordinance of 2026 (PO-23CC-278).
1
549
Ngayong Miyerkules, stakeholders ng district 1 ang naging bahagi ng public hearing. Ipinaliwanag sa kanila ang panukala, at inalam at pinakinggan ang kanilang mga komento at suhestyon. Nauna nang nagkaroon ng public consultation para sa mga barangay official. Tingnan ang buong schedule ng in-person public hearing dito: facebook.com/share/p/1FupUuM…
82
Lumagda sa Memorandum of Undertaking ang Quezon City Government at ang Nagkakaisang Samahan ng mga Magbababoy (ProPork) matapos maghain ng aplikasyon para sa permit na magsagawa ng rally ang grupo ng mga magbababoy at iba pang stakeholder. Kabilang sa mga lumagda sina Department of Public Order and Safety (DPOS) Head Elmo San Diego, Annabelle Palencia ng ProPork, at AGAP Party-list Representative Nicanor Briones. Layunin ng kasunduan na matiyak ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng grupo kaugnay ng kanilang planong pagtitipon.
521
Biglang nawala sa balanse, hirap magsalita, o pababa na ang kalahating parte ng mukha? Nako, baka senyales na iyan ng Stroke! 🥴 Tandaan QCitizen, sa ganitong pagkakataon dapat BEFAST! 🚨 Ano-ano nga ba ang karaniwang senyales ng stroke at paano ito maaagapan sa tulong ng BEFAST? Panoorin ang Healthy QC: Stroke na ito.
185
QUEZON CITY, GALING POOK AWARDEE! 🏆 Muling napabilang ang Quezon City Government sa 10 local government units sa bansa na kinilala bilang awardee sa 2026 Galing Pook Awards.
1
736
Personal na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagkilalang idinaos sa Malacañan Palace na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kinilala ng Galing Pook ang programang QC Kabahagi Center for Children with Disabilities na kumakalinga sa mga kabataang may kapansanan sa lungsod.
99
Walang iwanan sa kwentuhang makabuluhan! 🗣️ Tutok na sa #UsapangQC Year 5 at alamin ang iba-ibang programa at serbisyo ng lokal na pamahalaan para sa inyo. 🗓 Bi-monthly | Every other Friday | 1:00 PM 📲 Mapapanood ng live sa Quezon City Government Facebook page at YouTube Channel Abangan ang ika-18 episode ngayong Biyernes, October 23, 2026! 💬 #UsapangQCYear5
579
𝟲𝟳𝟭 𝗩𝗘𝗧𝗘𝗥𝗜𝗡𝗔𝗥𝗬 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗗𝗘𝗗! 🎉 The Quezon City Veterinary Department (QCVD) extends its sincere gratitude to our partners and sponsors for their support, and to our QC furparents for their participation in the celebration of Quezon City’s 87th Founding Anniversary on October 20, 2026. Through this initiative, we provided a total of 671 veterinary services to QC pet parents and their beloved pets, including 218 spay/neuter services, 227 anti-rabies vaccinations, 141 deworming services, and 85 veterinary consultations. We also celebrated the adoption of four rescue pets—two adult dogs and two puppies—who now have the opportunity to begin a new chapter with loving and responsible families. 📢 𝙍𝙀𝙈𝙄𝙉𝘿𝙀𝙍𝙎 𝘼𝙁𝙏𝙀𝙍 𝙆𝘼𝙋𝙊𝙉 To help your pets recover safely after surgery, administer prescribed medications according to the instructions of our veterinarians. Prevent your pet from licking the surgical wound by using an E-collar to help protect the wound and reduce the risk of infection. Allow your pet to rest for at least seven days after surgery, and avoid running, jumping, and excessive play to help prevent complications and allow the surgical wound to heal properly. To all the furparents who brought their pets and availed of the free veterinary services, thank you for your participation and continued commitment to responsible pet ownership. Together, let us continue promoting animal welfare and building a healthier, safer, and more compassionate community for people and animals. Happy 87th Founding Anniversary, Quezon City! 🎉
687
MAHALAGANG ABISO SA MGA MOTORISTA🚦 Asahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa paligid ng Quezon City Hall sa October 24, 2026 (Sabado) mula 5:30 AM hanggang 7:30 AM bunsod ng isasagawang “White Cane Walk 2026” sa pangunguna ng QC Persons with Disability Affairs Office (PDAO), katuwang ang Philippine Blind Union (PBU). Bahagi ito ng pagdiriwang ng International Blind Awareness Month ngayong Oktubre. Kabilang sa mga dadaanan ng mga makikiisa sa aktibidad ang mga sumusunod na kalsada: •Elliptical Road •Kalayaan Avenue •Matalino Street •East Avenue Magtutulungan at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), at Quezon City Police District (QCPD) para maisaayos ang inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar. Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
1,118
BE EL NIÑO-READY, QC!☀️ Kahit may El Niño, posible pa rin ang pagbaha dahil sa localized thunderstorms, malalakas na pag-ulan, Amihan-related rainfall, o mga bagyo. Manatiling alerto at laging handa sa biglaang pagbabago ng panahon. Subaybayan ang official weather advisories ng DOST-PAGASA, QC Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) at Quezon City Government. Para sa emergency assistance, tumawag sa QC Helpline 122.
1
812
Sa QC, pinapahalagahan ang pangangailangan ng bawat senior citizen. 👴🏻👵🏻✨ QCitizens, anong mga serbisyo o programa ang nakatulong sa inyong mga lolo at lola? I-comment na ‘yan at i-tag ang isang kaibigan! Ang mapipiling commenters ay mananalo ng espesyal na regalo sa live episode ng #UsapangQC sa Biyernes, October 23, 2026, 1:00 PM sa aming Facebook page. #UsapangQCYear5 #UsapangQCSeniorQCitizens
829
Isa na namang OASIS Schoolyard ang binuksan at napapakinabangan na ng mga mag-aaral sa Placido Del Mundo Elementary School (PDMES). Green at climate-resilient space ito sa harap lamang ng library building ng paaralan na layong maibsan ang epekto ng urban heat kasabay ng pagsuporta sa mas maginhawang pag-aaral ng mga estudyante. Kabilang ang PDMES sa tatlong pilot schools na nilagyan ng OASIS Schoolyard. Katuwang sa proyekto ang Resilient Cities Network at Temasek Foundation.
793
Panibagong oportunidad para sa skills development ang hatid ng Plastic Welding Training – Batch 9 ng Quezon City Training and Assessment Center (QCTAC), na nagsimula noong Oktubre 20, 2026, in partnership with the Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO) – Special Projects Division (SPD) and Sentinel Upcycling Technologies. Bahagi ang pagsasanay na ito ng Competency Enhancement and Retooling Program (CERP), na naglalayong paghusayin ang teknikal na kakayahan, isulong ang sustainability at green skills, at ihanda ang mga trainee para sa mas malawak na oportunidad sa trabaho at kabuhayan. #QCTAC #QCTACHighlights #PlasticWeldingBatch9 #CERP #QCPESO #SPD #SentinelUpcyclingTechnologies
1,026
Quezon City Pride! 🌈👑 Congratulations, Casey Bañes Paculan, our very own Masskareyna Philippines 2026! Ginanap ang coronation sa Bacolod City noong October 15, 2026 kung saan nangibabaw si Queen Casey sa 18 kandidata mula sa iba-ibang panig ng bansa. Patunay ang iyong tagumpay sa ganda at husay ng LGBTQIA+ community sa Quezon City! Buo ang suporta at pagmamahal ng lokal na pamahalaan sa bawat reynang nagpapakatotoo!
1
3
1,814
QCitizens, tuloy-tuloy ang operasyon ng QCity Bus Service upang maghatid ng libreng sakay sa ating mga commuter! Para sa updated na schedule at mga ruta ng QCity Bus Service, tingnan ang post na ito: facebook.com/share/p/18jVdAF…
1,398
May bago nang mapapasyalan ang mga senior citizen ng Brgy. Bagbag dahil bukas na ang Munting Gubat Park sa loob ng San Pedro IX Subdivision. Idinisenyo ang 620 sqm na parke bilang dagdag na open and green space sa District 5. Mayroon itong fitness machines, musical instruments, walk paths, mesa, at upuan. May chess at table tennis, at naging malilim ito dahil sa mga mayayabong na puno at halaman sa parke.
2
1
6
2,009
Nagtipon-tipon ang mga ambassador, kinatawan ng iba-ibang bansa, at government agencies sa Flag-raising and Ringing of the Peace Bell ceremony sa Quezon Memorial Circle. Itinaas ang watawat ng mga orihinal na United Nations Member States at pinatunog ang Peace Bell bilang simbolo ng pagkakaisa at patuloy na pagtutulungan ng mga bansa para sa sama-samang pag-unlad. Nagsilbing keynote speaker sa programa si United Nations (UN) Resident Coordinator in the Philippines Arnaud Peral. Naging kinatawan naman ni Mayor Joy Belmonte si Human Resource Management Department (HRMD) Head Atty. Noel Del Prado.
1
1,330
BE EL NIÑO-READY, QC!☀️ Kahit Amihan season na, maaaring manatiling mainit at tuyo ang panahon dahil sa El Niño. Asahan din ang pabago-bagong temperatura—mas presko sa umaga at gabi, ngunit mainit sa tanghali. Paalala: 💧 Magtipid sa tubig. ☀️ Uminom ng sapat na dami ng tubig at iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw. 📢 Manatiling updated sa mga weather advisory ng DOST-PAGASA, QC Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) at Quezon City Government. Para sa emergency assistance, tumawag sa QC Helpline 122.
1
1
10,154