Binago ng Impeachment Court ang voting threshold sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte matapos katigan ng mayorya ng mga senator-judges ang bagong interpretasyon sa bilang ng mga botong kailangan para sa conviction.
Habang iginiit ng kampo ng Bise Presidente na dapat manatili sa 16 ang kinakailangang boto batay sa kanilang pagbasa sa Konstitusyon, naninindigan naman ang korte na ang bagong ruling ay naaangkop lamang sa kasalukuyang kaso.
Paglilinaw sa batas o pagbabagong maaaring makaapekto sa magiging hatol?
📺 Panoorin ang buong detalye sa DATOS — dito lang sa NET25 Online.
#NET25NewsAndInformation #DATOS #WengDelaFuente #SaraDuterte #ImpeachmentTrial #SenatePH #ConstitutionPH #RuleOfLaw #PhilippinePolitics
5 TURISTA, NASAGIP MATAPOS MATANGAY NG MALAKAS NA ALON
TINGNAN: Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang turista matapos matangay ng malakas na alon habang lumalangoy sa baybayin ng Barangay Sabang, Baler, Aurora, nitong Nobyembre 1, bandang alas-4:20 ng hapon.
Ayon sa PCG, nasa 20 hanggang 30 metro mula sa pampang ang mga turista nang makaranas ng panganib dahil sa malalakas na alon. Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard Station Aurora katuwang ang Baywatch team at ligtas na naihatid sa dalampasigan ang lima.
Kinumpirmang walang nasaktan sa insidente at hindi kinailangang dalhin sa ospital ang mga turista. Paalala naman ng PCG sa publiko na sundin ang mga abiso sa kaligtasan sa mga baybayin at iwasang lumangoy kapag malakas ang alon o mapanganib ang kondisyon ng dagat.
📸: CGDNELZN / FB
#NET25NewsandInformation #Aurora #CoastGuard
#Baler
BASAHIN: Itinanggi ng Moro National Liberation Front (MNLF) na pinoprotektahan nila si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, na pinaghahanap ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y mga pagpatay sa drug war ng administrasyong Duterte.
Kasunod ito ng mga ulat na maaaring nagtatago ang senador kasama ng isang armadong grupo sa Mindanao.
📷: MNLF
#NET25NewsandInformation #Senate #BatodelaRosa #MNLF #ICC #crimesagainsthumanity #DrugWar #DuterteAdministration
Inaresto ang dalawang dayuhan matapos umanong ikulong ang tatlong Pilipinong manggagawa sa isang condominium sa Malate, Manila.
Ayon sa CIDG, ni-recruit umano ang mga biktima bilang mga virtual assistant kapalit ng sahod na hanggang 500 dolyar kada buwan. Sa halip, pinagmememorya sila ng mga script para sa hinihinalang love scam.
Nasagip ang tatlong biktima sa operasyon ng CIDG at Manila Police District noong Oktubre 28, bago pa sila mailipat sa Bohol.
Nahaharap ang mga suspek sa mga reklamo ng human trafficking, illegal detention at grave coercion.
📷: CIDG
#NET25NewsandInformation #Maynila #Manila #humantrafficking #lovescam #scamhubs
ALEX'S NEW CAREER-HIGH 🎾
Pasok sa World No. 17 si Pinay tennis superstar Alex Eala, ayon sa Women’s Tennis Association (WTA).
Kasunod ng bagong career milestone, sasabak naman si Eala sa Hong Kong Open kung saan makakaharap niya si Alycia Parks sa Martes, Nobyembre 3.
📷: Alex Eala
#NET25NewsandInformation #AlexEala #WorldNo17 #TeamAlexEala #TeamPhilippines #WTA
DAAN-DAANG BAHAY, NATUPOK SA ZAMBOANGA CITY
TINGNAN: Mahigit 500 na bahay ang natupok sa sunog na sumiklab pasado alas-8 ng gabi noong Linggo, Nobyembre 1, sa Barangay Tugbungan, Zamboanga City. Bukod sa mga bahay, natupok din ang ilang sasakyan at kagamitan, habang napinsala ang mga linya ng kuryente sa lugar.
Maraming residente ang nawalan ng mga gamit na pinaghirapan sa loob ng maraming taon. Kabilang dito ang ilang pamilya na nagsabing halos lahat ng kanilang naipundar ay natupok sa sunog.
Dinala sa Tugbungan Elementary School ang mga residenteng nawalan ng tirahan, bagama't marami ang nagpasyang makituloy muna sa kanilang mga kamag-anak. Hinihintay pa ang pasya ng pamahalaang lungsod at Department of Education kung mananatili ang mga evacuee sa paaralan o ililipat sa City Evacuation Center sa Barangay Cabatangan. | via Ely Dumaboc
#NET25NewsandInformation #ZamboangaCity #Sunog #Tugbungan #FireIncident #DisasterResponse
BABALA: SENSITIBONG BALITA
Umalis patungong Pilipinas noong Mayo 2024 ang Filipino na si Rommel Bacani matapos siyang masangkot sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y pang-aabuso sa isang menor de edad sa Saipan, ayon sa Federal Bureau of Investigation (FBI).
Ayon sa affidavit ng FBI, inakusahan si Bacani ng paulit-ulit na pang-aabuso sa isang 13-anyos na batang babae. Nakasaad din sa imbestigasyon ang alegasyon ng pang-aabuso sa nakababatang kapatid nitong walong taong gulang.
Kinasuhan si Bacani sa Northern Mariana Islands noong Mayo 12, 2025. Ayon sa FBI, umalis si Bacani sa Saipan upang hindi maharap sa kaso. Maaari siyang makulong nang hanggang limang taon dahil sa kasong may kaugnayan sa umano’y pagtakas niya.
#NET25NewsandInformation #Saipan
#FBI #ChildAbuse #Philippines
Nahuli ang isang 62-anyos na Amerikano sa NAIA Terminal 3 matapos umanong magpuslit ng 17.46 kilo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng ₱17.4 milyon.
Ayon sa mga awtoridad, natagpuan ang ilegal na droga sa kaniyang maleta. Nakatago ito sa 15 paketeng selyado gamit ang vacuum packaging.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
📷: PNP AVSEG
#NET25NewsandInformation #NAIA #kush #marijuana #illegaldrugops #investigation #seized
Gumawa ng kasaysayan si Kimi Antonelli matapos maging pinakabatang world champion sa Formula One sa edad na 20. Nasungkit ng Italian driver ng Mercedes ang kaniyang unang world title matapos magtapos sa ikatlong puwesto sa Mexico City Grand Prix. Si Max Verstappen naman ang nagkampeon sa karera.
Nalampasan ni Antonelli ang rekord ni Sebastian Vettel, na nagwagi ng world championship sa edad na 23 noong 2010. Siya rin ang kauna-unahang Italian na nagkampeon sa Formula One mula noong 1953, nang makamit ito ni Alberto Ascari.
#NET25NewsandInformation #KimiAntonelli #FormulaOne #F1 #MexicoGrandPrix #MercedesAMG #MaxVerstappen #Motorsports #SportsNews
Kinilala bilang National Cultural Treasure ang Maligcong Rice Terraces sa Bontoc, Mountain Province dahil sa mayamang kasaysayan at kulturang kinakatawan nito. Pormal na ipinagkaloob ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang heritage marker sa lokal na pamahalaan noong Oktubre 19 sa Metropolitan Theater sa Maynila.
Layunin ng deklarasyon na mapangalagaan ang tradisyonal na pagsasaka, katutubong kaalaman at pamana ng mga Igorot na ilang siglo nang nagpapanatili sa mga hagdan-hagdang palayan. Patuloy din itong nagsisilbing kabuhayan ng mga residente at dinarayo ng mga turista.
#NET25NewsandInformation #MaligcongRiceTerraces #MountainProvince #Bontoc #NationalCulturalTreasure #CulturalHeritage
#IgorotHeritage #PhilippineCulture #HeritageConservation
Bumagsak ang isang Learjet 60 na may sakay na siyam na katao sa isang residential area sa Florida, U.S.A. nitong Linggo, Nobyembre 1, ayon sa Federal Aviation Administration (FAA).
Nasawi ang lahat ng siyam na sakay nang bumagsak ang eroplano bandang 12:50 ng p.m. (local time).
Patungo sana sa North Eleuthera Airport sa Bahamas ang eroplano nang mangyari ang insidente.
📷: Reuters
#NET25NewsandInformation #USA #planecrash #airportcrash #FAA #airport #Bahamas
Umabot sa 785 pampubliko at pribadong paaralan sa Albay ang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Mayon noong nakaraang linggo.
Ayon sa DepEd, nasa 311,259 mag-aaral, guro at kawani ng paaralan ang naapektuhan. Kabilang dito ang mga paaralang nasa permanent danger zone (PDZ), gaya ng Calbayog at Magapo Elementary Schools.
Dahil dito, ipatutupad muna ang alternative learning delivery mode hanggang humupa ang aktibidad ng bulkan.
📷: Djorhiz Bartolome
#NET25NewsandInformation #DepEd #MayonVolcano #PHIVOLCS #alternativelearningmode #learningissues #BulkangMayon
TIYUHIN, ARESTADO SA KASONG PANGHAHALAY SA 12-ANYOS NA PAMANGKIN
TINGNAN: Arestado ang isang 50-anyos na lalaki na kabilang sa provincial-level Most Wanted Person matapos ang isinagawang warrant operation ng pulisya nitong Linggo ng hapon, Nobyembre 1, sa Barangay San Juan, Panukulan, Quezon.
Ayon sa Panukulan Municipal Police Station, suspek umano ang lalaki sa panghahalay sa kaniyang 12-anyos na pamangkin sa bahay ng biktima noong Enero 10, 2026. Kasalukuyan siyang nakapiit sa Panukulan MPS at nahaharap sa kasong rape by sexual assault.
#NET25NewsandInformation #QuezonProvince
#CALABARZON #CrimeNews
WANTED SA KASONG MURDER, NAARESTO SA LAGUINDINGAN AIRPORT
TINGNAN: Naaresto ang isang 49-anyos na lalaki na biyaheng Maynila matapos matukoy ng mga awtoridad ang nakabinbing warrant of arrest laban sa kaniya kaugnay ng kasong murder. Nahuli ang suspek sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental noong Oktubre 30, 2026. | via Egypt Fuentes
📸: PNP Laguindingan
#NET25NewsandInformation #LaguindinganAirport #MisamisOriental #WantedPerson #Arrested #CrimeNews #PhilippineNews
Nakapagtala ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ng 1,499,454 foot traffic mula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 1.
Pinakamaraming pasahero ang naitala noong Oktubre 26, na umabot sa 197,288.
Samantala, 260 ipinagbabawal na kagamitan ang nakumpiska ng PITX security personnel mula Oktubre 25 hanggang 29. Kabilang dito ang 89 na kutsilyo, 51 na lighter, 46 na butane gas at 35 na cutter. | via Jim Tejano
#NET25NewsandInformation #PITX #foottraffic #commuter #longweekend
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inaasahan bukas, Nov.3, 2026
ESTIMATED OIL PRICE ADJUSTMENT
DIESEL: - P0.50 - 1.00/ L
GASOLINE: + P2.00 - P2.50/L
KEROSENE: - P1.50-2.00/L
#NET25NewsandInformation #ASPN
Narito na ang #ASPN ang Ating Sinundang Pangunahing News ngayong Lunes, Nov. 2, 2026:
- Mayorya sa Senado, suportado ang pag-alis sa kuwestiyonableng pondo sa 2027 national budget
- PAWS, nanawagan ng imbestigasyon sa mga pet crematorium sa buong bansa
- Alert level 3, nananatiling nakataas sa Bulkang Mayon
| Ano Sa Palagay N’yo?
#NET25NewsandInformation
YT: tinyurl.com/ASPNYT110226
FB: tinyurl.com/ASPNFB110226
Nakapagtala ang PITX management ng humigit sa 1M na byahero ang dumagsa sa terminal simula Oktubre 25 hanggang Oktubre 30, noong Oktubre 26 ang may pinakamataas na naitala ng management.
#NET25NewsAndInformation #MataNgAgilaWeekend #PITX #LongWeekendHoliday
youtu.be/IXvvVmn_tjQ
Pinili ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pormal na talikuran na ang karapatan niyang dumalo ng personal sa ikalimang status conference ng ICC sa Nobyembre 2.
#NET25NewsAndInformation #MataNgAgilaWeekend #ICC #FPRRD #StatusConference
youtu.be/jSI2lKSqK_0
Napagkasunduaan na ng DPWH at Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito na tanggalin ang mga proyekto na kulang sa dokumento sa 2027 budget, ayon sa senador ang mga proyekto na hindi makakasunod sa bagong plenary deliberations ng senado ay aalisin.
#NET25NewsAndInformation #MataNgAgilaWeekend #DPWH #2027NationalBudget #JVEjercito #Senado
youtu.be/gWK67yLdwaI























